Mahalagang impormasyon ukol sa kung paano manatiling ligtas online
Ang Markets.com ay nag-ooperate sa buong mundo at ay regulated ng Financial Sector Conduct Authority (FSCA) sa South Africa. Ang inyong seguridad ang aming pangunahing priyoridad.
Ang aming mga serbisyo ay hindi sumasaklaw sa pamamahala ng asset o paggarantiya ng mga kita o anumang uri ng mga return on investment. Hindi ka kokontakin ng sinomang empleyado ng markets.com o pipilitin kang mag-invest o magbukas ng espesipikong posisyon o garantiyahan ang anumang kita. Kung nakatanggap kayo ang ganitong uri ng komunikasyon, dapat ninyong suriing mabuti o i-cross check ang ibinigay nilang impormasyon sa mga detalye ng aming kompanya na available sa footer ng aming website at ipaalam sa kanila na isusumbong ninyo ito sa lokal na mga awtoridad.
Ang desisyong pondohan ang iyong account ay pawang iyo lamang, at matutulungan ka namin sa iyong kahilingan sa pamamagitan ng pagkontak sa Customer Support. Ang tanging rason na direktang makikipag-ugnayan kami sa iyo tungkol sa pagbabayad ay kung ang mga pondo ng iyong account ay mas mababa sa kinakailangang margin (margin call). Kung sakaling kontakin ka ng sinuman na nag-uutos sa iyo na mag-deposit o i-wire ang iyong pera kahit saan – malamang na isa itong pagtatangka para linlangin ka. Hindi pinangangasiwaan ng markets.com ang iyong account, ikaw lamang ang tanging nangangasiwa sa iyong account. Mahalagang banggitin na kaugnay ng anumang pagbabayad para pondohan ang iyong account sa amin, ang legal na pangalan ng kompanya ang gagamitin bilang billing descriptor sa mga detalye ng bank account. Pansinin na ang mga detalye at solusyon ng pagbabayad sa kompanya ay available online sa pamamagitan ng aming cashier.
Karagdagagan pa, walang kita ang ipinapangako, at gaya ng malinaw na sinasabi ng aming High Risk Investment Warning, ang mga CFD ay masalimuot na instrumento at may nauugnay na panganib ng pagkawala ng pera.
Mangyaring tandaan na ang aming mga detalye sa pakikipag-ugnayan ay palaging makikita sa footer ng aming website.
Ang mga scammer ay minsan magrerehistro ng mga katulad na domain, na may maliit na pagkakaiba sa spelling, at kopyahin ang aming disenyo ng website sa isang pagtatangka para linlangin ang mga bisita. Ang mga kopyang ito ay maaaring maging lubhang kapani-paniwala.
Ibinibigay namin sa ibaba ang listahan ng mga mapanlinlang na website na natukoy namin sa paglipas ng panahon, gayunman, mahalagang tandaan na hindi kumpleto ang listahang ito.
uxcoins.io
promarketsfinance.com
Dapat mong iwasan ang pakikipagkomunikasyon sa mga website sa itaas.
Agad na iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa legal@markets.com, privacy@markets.com at sa iyong lokal na pulisya.
Ganito ang gawin kung sakaling makatanggap ka ng anumang hindi mo kilalang tawag sa telepono, email o SMS mula sa sumusubok na magpanggap bilang Market o anumang iba pang mapagkakatiwalaang third party na nakakatransaksyon namin. Para sa karagdagang detalye sa mga third party kung saan namin ibinibigay ang ilan sa impormasyon mo, pakitingnan ang aming Polisiya sa Privacy. Mangyaring makipag-ugnayan din sa amin kung may mapansin kang anumang hindi awtorisadong transaksyon sa iyong account o maghinala na maaaring may access ang isang third party sa impormasyon ng iyong account.
Kapag sumusunod sa mga link mula sa mga pahina ng Social Media, pakitiyak na ididirekta ka sa isa sa mga opisyal na website sa itaas, dahil maaari ring mag-set up ang mga scammer ng mga pekeng profile sa Social Media sa pagtatangkang idirekta ang mga user sa mga huwad na website.
Para makausap kami nang direkta, mag-click lang sa Customer Support para ma-access ang aming Live Chat function.
Tulungan kaming lutasin ang online na pandaraya sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan agad sa amin kung mayroon kang anumang hinala.
Mayroon kaming matatag na team ng propesyonal na laging sinusubaybayan ang di-pangkaraniwan at iregular na aktibidad sa mga online na aktibidad at mga pagbabayad. Handa silang tumugon sa anumang kahilingan o insidente na maaaring mangyari. Mangyaring makipag-ugnayan sa Customer Support para sa anumang kahina-hinalang aktibidad na nangyayari sa iyong account.
Ang aming Data Protection Officer ay tinitiyak ang pagsunod sa GDPR sa loob ng markets.com. Ang kompenya ay regular na ino-audit ng internal at external na parties sa pamamagitan ng mga controls at monitoring tools na ginamit para protektahan ang aming mga systems at data. Mangyaring makipag-ugnayan sa aming Data Protection Office sa privacy@markets.com
Patuloy na subaybayan ang page na ito para sa karagdagang mapanlinlang na website na napag-alamang nagpapanggap bilang ang Kompanya, ang markets.com brand o ang aming holding company.
Maasahan nyo kami. Narito kung paano makipag-ugnayan sa amin para sa personalized na tulong.